VISITA IGLESIA MALELDO PAMPANGA LOOPI
..
PAMPANGAS PENETENSYA
IKATLO SA HULING WIKA
"Babae, narito ang iyong anak. . . . Narito ang iyong ina!" (Juan 19:26b-27). [Sa ibang sa salin, ito ay "Ginang." Sa Griego, ito ay "Babae."] ---"Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleofas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Jesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, "Babae, narito ang iyong anak. . . . Narito ang iyong ina!" (Juan 19:26b-27). [Sa ibang sa salin, ito ay "Ginang." Sa Griego, ito ay "Babae."]
Dalawang bagay ang ating matututuhan sa wikang ito: "pagiging kabahagi" ("belongingness") at "pagkakatiwala" ("trustworthiness"). Nagsalita si Jesus ng walang pasubali sa kanyang ina, gayon din sa kan-yang alagad na naroroon. Mayroon pa bang nakakahigit na damdamin at kaganapan na ang isang mahal sa buhay ay nasa kamay at kalinga ng isang responsableng tao na pagkakatiwalaan? Kanino mo ihahabilin ang isang ina, at kanino mo ihahabilin ang isang anak kundi sa isang taong mapagkakatiwalaan? Maliwanag ang ipinakita ni Jesus kung saan tatayo ang isang tao, maging ang kanyang pagiging tao. Ang pagiging mag-ina nila'y hanggang sa pagiging tao ni Jesus, at ang kanyang katungkulan bilang isang anak ay kanyang inihahabilin sa isang mapagkakatiwalaang alagad. At sino ang "ina" at "alagad" para sa atin? Pakinggan ang sinasabi ni Jesus sa Mateo 12:48-50:
"Sino ang aking ina, at sinu-sino ang aking mga kapatid?" Itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi, "Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kaloobnan ng aking Amang nasa langit ang siya kong ina at mga kapatid."
Sa paligid natin, napakaraming ina at mga anak na dapat ihabilin sa mga taong pagkakatiwalaan. Kung ang iglesiya'y parang ina sa atin, huwag nating ito'y pabayaan. Kung ang ating mga kabataan o mga kaanib sa iglesiya ang mga anak, huwag natin silang ihabilin sa maling pag-iisip at katuruan.